Matindi ako’ng magmahal ng kaibigan.
Minsan nga nagseselos na si Misis dahil nauuna ang kapakanan nila, minsan lang naman…
. Pero kapag ako ay naging kaaway, matindi rin ako’ng kaaway dahil ang dead-ma ko ay halos makamatay.
May nakaaway ako’ng kaibigan dati. Babae, problema schoolmate ko siya na naging ka-trabaho. May certain ugali siya na ‘di ko maipaliwanag pero for some reason ay mag-iisip ang isang tao na siya ay sipsip sa bossing. Anyway, nalimutan ko na rin ang mga specific na pinag-awayan namin pero alam ko ay medyo maliliit na bagay na lumalim. Ang highlight ng panahon na iyon ay ang ilang buwan na ‘di ko pag-imik sa kanya at yun ang ‘di niya kinaya dahil kahit nasa kuwarto siya ay kaya ko’ng makipag-usap sa iba na parang wala lang siya…
(lufeeet).
Siya ang unang nagtangka na lumapit sa akin para makipagkasundo, dahil mabait ako kaya sige pinagbigyan ko at pinilit ko na maging normal ulit sa kanya.
Nabiyayaan ako ng isang scholarship sa isang banyagang pamantasan at nang matapos ako ay naalok muli ng isa pang scholarship. Kaso ‘di pa ako puwede bumalik kung kaya’t yung kaibigan ko’ng iyon ang aking ni-nomina para ‘pumalit’ sa puwesto ko–a sign of good faith na everything is alright between us. Pinaalam pa nga ng aking superbisor kung puwede niyang gamitin ang proposal na sinumite ko para sa kaibigan ko’ng iyon dahil malapit na ang deadline ng pagsusumite ng aplikasyon, dahil bisor ko ang nagsabi kagyat akong pumayag. Ngayon, kung alam man niya o hindi-yan ay ‘di ko alam.
Pero wala ako narinig na salamat sa pagkakabigay ng pagkakataon na iyon sa kanya at ang suma nga ngayon ay nakarating siya sa kanyang puwesto ngayon dahil sa sariling sikap. Anyway, nang ultimately ay nagkasama ulit kami sa isang institusyon ay bumalik na naman ang alaala kung bakit ko kinainisan ang kaibigan ko’ng ito.
Kami lang ang pareho ng kurso, kung ‘di man sa dito sa bansang tinutuluyan namin, ay sa pamantasan na pinapasukan namin. Maraming beses siyang nagsabi sa akin na uy usap tayo minsan, discuss natin ito or iyan. Ako naman excited dahil siya lang ang puwede ko nga makausap na kapareho ng kurso, pero kapag puwede ako busy siya or ‘di siya puwede may lakad atbp. Noong minsan nga naimbitahan namin siya sa isang lakad ng pamilya, pero last minute bigla na lang umatras–sa madali’t salita–walang isang salita. Mga pangako na napapako, kapag may dumating na ‘kaibigan’ na mas makikinabang siya ay doon na lang siya. Kung tutuusin kami-kami ang dapat na pamilya, pero ‘di siya sa amin tumatakbo para humingi ng tulong o makisalo sa saya pero sa mga banyaga niyang kaibigan.
‘Di ako nagtaka nang makagalit din niya ang housemate niya na Pinoy–for some reason, may ugali talaga siya na ‘di ko maipaliwanag. Sweet sa iba or sweet sa unang pagkikita then kapag nakatalikod ka ay kung anu-ano ang sinasabi sa iyo or ‘di mo talaga masakyan ang ugali niya. Mas gugustuhin mo pa nga yata kumain ng isang kabang durian kaysa makitungo sa babaeng ito. Isa pa, ‘di rin siya sensitibo sa mga nararamdaman ng nakapaligid sa kanya, parang siya ang sentro ng kalawakan. Minsan maayos mo na sinabi sa kanya ang isang bagay then magugulat ka na lang na bubulyawan ka ng sigaw–clueless ka na ‘di pala ayos sa kanya ang tono ng pananalita mo.
Then noong minsan, tinanong ko siya. Tapos mo na ba presentation mo? sagot niya, ‘di pa, ‘di pa nga ako nag-uumpisa eh. Then come presentation day, dahil akala ko ay ‘di pa nga siya nakapaghanda, kampante ako na may kasama ako na ‘di rin maayos makakapag-presenta, surprise, surprise, super ganda ng presentasyon ng Tita, talagang nakaka-imbiyerna!
Well, karma man o hindi, ‘di pa siya matapus-tapos sa thesis niya ngayon at bagamat I wish her well pero I hope she gets what she deserves as I will receive mine.
Mayo 28, 2010
Mga Kategoriya: Blog . Mga Marka : babae, kaibigan, karma, lalake, lupet, pagkakaibigan, pangit ang ugali, sungit, WTF . May-akda: Ako . Mga puna: Mga Puna